Leila de Lima nanawagan ng panalangin at hustisya para sa mga biktima ng EJK

 


Sa paggunita ng NiƱos Innocentes o Holy Innocents, hinimok ni Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ang publiko na alalahanin at ipagdasal ang mga batang nasawi at ang kanilang mga pamilyang naapektuhan ng mga pagpatay na may kaugnayan sa kampanya kontra droga ng nakaraang administrasyon.



Ayon kay De Lima, mahalagang kilalanin ang patuloy na paghihirap ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay, hindi lamang tuwing Kapaskuhan, at patuloy na itaguyod ang hustisya para sa mga biktima.


“Dalangin natin ang lakas at katatagan ng mga pamilyang nawalan ng anak, kapatid, at mahal sa buhay,” ani De Lima.


Dagdag pa niya, patuloy ang pagsusulong sa Kongreso ng mga panukala na naglalayong tugunan ang alegasyon ng extrajudicial killings at palakasin ang mga institusyong may mandato sa karapatang pantao.


No comments:

Post a Comment