Ipinaliwanag ni Kim Chiu kung bakit hindi siya lumilipat sa ibang network, sa kabila ng mga oportunidad bilang artista. Ayon sa kanya, katulad ng nangyari noong nagsara ang ABS-CBN, nanatili ang tiwala at suporta ng mga tao sa isa’t isa.
“Noong hindi maganda ang buhay ko, nandiyan naman ang ABS-CBN para tulungan ako. Bilang artista, puwede akong pumunta sa ibang istasyon, pero I chose to stay because yun ang choice ko, at ayon iyon sa values na nakatatak sa akin. Na kung sino man ang tumulong sa’yo nung wala ka, tulungan mo rin sa panahong wala din sila,” ani Chiu.
Ayon sa aktres, ang pananatili sa ABS-CBN ay hindi lang desisyon sa career, kundi pagkilala at pasasalamat sa mga taong sumuporta sa kanya sa mahihirap na panahon.
No comments:
Post a Comment