Ibinahagi ng award-winning journalist na si Kara David ang kanyang halo-halong emosyon kaugnay ng mga nagaganap sa kasalukuyan.
Ayon sa kanya, nalilito siya kung ano ang tamang maramdaman, lalo na’t may mga nagsasabing tila unti-unti nang nagkakatotoo ang isang matagal na niyang hiling.
“Hindi ko alam kung dapat ba akong makonsensya o matuwa,” pahayag ni David, kasabay ng pag-amin na hindi niya rin masiguro kung tama nga ba ang kanyang naging kahilingan.
Dagdag pa niya, natural lamang ang makaramdam ng pagkalito sa gitna ng mga pagbabago, lalo na kapag ang mga pangyayaring inaasam noon ay nagkakaroon na ng anyo sa realidad.
No comments:
Post a Comment