KAPATID CHANNEL AT KAPAMILYA CHANNEL, MAGTATAPATAN SA 2026

 



Magkakaroon ng direktang tapatan ang Kapamilya Channel at ang bagong Kapatid Channel simula Enero 2, 2026 sa local cable, DTH, at maging sa international platforms.


Ito ay kasunod ng desisyon ng TV5 na tapusin ang pakikipag-partner sa ABS-CBN at putulin ang kontrata nito, diumano’y dahil sa hindi natutupad na obligasyong pinansyal.


Bilang tugon, ilulunsad ng TV5 ang Kapatid Channel, kung saan ipapalabas ang mga sariling programa nito na inaasahang magpapakita ng kalidad at kakaibang nilalaman. Layunin nitong mag-alok ng mas maraming pagpipilian sa mga manonood pagsapit ng 2026.


Para sa ilan, positibong hakbang ito sa industriya ng telebisyon dahil nababawasan na ang tinatawag na “monopolyo” sa mga programa—kung saan iisang palabas lamang ang umeere sa iba’t ibang network sa pamamagitan ng simulcast.


May panawagan din na mas paigtingin ng National Telecommunications Commission (NTC) ang regulasyon, partikular ang isang “one program per network policy,” upang mabigyan ng mas maraming pagkakataon ang iba pang content producers na maipalabas ang kanilang mga programa.


Pinuri ng mga manonood ang hakbang ng MediaQuest at TV5, dahil ang Kapatid Channel ay dagdag opsyon at bagong kulay sa telebisyong Pilipino sa darating na taon.


Tunay nga, minsan ang pamamaalam ay simula ng mas magagandang posibilidad.
“Goodbyes are meant to be beautiful.”



No comments:

Post a Comment