CASTRO BINANAT ANG PASKO NI VP SARA: ‘HINDI AKMA SA GINAWA’

 



Iginiit ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro na ang Christmas message ni Vice President Sara Duterte ay hindi naaayon sa kanyang tunay na ugali at aktwal na ginagawa, matapos nitong ipahayag na ayaw niyang batiin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Pasko.


Sa kanyang mensahe, binanggit ni VP Sara na ang “pusong nagpapasalamat ay mapagbigay, mapagmahal, at mapagpatawad.” Subalit, ayon kay Castro, hindi umano ito makikita sa mga kilos at pahayag ng bise presidente kapag wala ang nakasulat na mensahe.


“Parang hindi naman niya ginagawa ang mga sinasabi niya sa kanyang Christmas message,” dagdag ni Castro.


Matatandaang sa isang press conference sa Davao City nitong Huwebes, tinanong si Duterte kung may mensahe siya para kay Marcos. Tugon ng bise presidente, hindi raw nagbabago ang ugali ng Pangulo kahit Pasko o hindi—gaya rin umano ng sa kanya.


Ani Castro, taliwas ang naturang pahayag sa diwa ng pagmamahal at pagpapatawad na binigyang-diin ni VP Sara sa kanyang mensahe ngayong Pasko.

No comments:

Post a Comment