BAYAD NA, DIUMANO! ABS-CBN, TINAPOS NA RAW ANG LAHAT NG OBLIGASYON SA TV5

 


Diumano’y inanunsyo ng ABS-CBN ngayong araw na bayad na at natupad na umano ng kumpanya ang lahat ng obligasyong kinakailangan kaugnay ng kanilang partnership sa TV5. Ayon pa sa mga ulat, maluwag ding tinanggap ng ABS-CBN ang desisyon ng MediaQuest na tapusin na ang kanilang ugnayan.

Diumano, nagpasalamat din ang ABS-CBN sa TV5 sa pagiging tahanan ng ilan sa kanilang mga programa mula 2022 hanggang sa kasalukuyan.


Bagama’t diumano’y magtatapos na ang partnership ng ABS-CBN at TV5, mananatili pa rin umano sa ere ang A2Z Channel sa pagpapalabas ng mga programa ng ABS-CBN. Kasabay nito, magpapatuloy pa rin daw ang It’s Showtime at PBB Collab 2.0 sa GMA Network.


Samantala, diumano’y magbabalik sa Free TV Channel 2 ang Kapamilya Channel sa ilalim ng isang mas pinalawak na partnership sa AMBS (ALL TV).


📺 PAALAM, TV5 — diumano epektibo Enero 1, 2026


📺 MABUHAY, AMBS (ALL TV) — diumano simula Enero 2, 2026


Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa ABS-CBN, TV5, at MediaQuest upang kumpirmahin ang mga detalyeng ito.

No comments:

Post a Comment