Suzette Doctolero sa mga Basher ng Sang’gre: “Bigyan Namin Kayo ng Tsansa na Makinig Bago Maghusga”



Nagbigay ng pahayag si Kapuso headwriter Suzette Doctolero bilang tugon sa ilang mga puna tungkol sa kwento ng Encantadia Chronicles: Sang’gre, kung saan maraming mga karakter ang nawala na at dinala sa “Devas,” na siyang katumbas ng langit.


Ayon sa kanya, “Kasama sa mga pagbabagong ginawa ang bagong title na Encantadia Chronicles—ito ay nagpapahiwatig ng pagsasama-sama ng iba't ibang kwento, lugar, at mga tauhan mula sa Encantadia Universe.”


“Ikinagulat at ikinatuwa namin ang iba't ibang reaksyon ng mga manonood, lalo na sa ikalawang linggo ng palabas. Ramdam namin kung gaano ninyo kamahal ang Encantadia. Maraming salamat.”


Ipinahayag din niya na bagamat nais nilang ibahagi ang mas marami pang detalye, kinakailangan itong gawin nang dahan-dahan dahil sa araw-araw na airing at upang hindi mabunyag ang mga spoiler.


Isa pang tinalakay niya ay ang konsepto ng Devas, na sa ngayon ay kakaunti pa lamang ang nalalaman ng mga manonood. Bagamat tinuturing itong langit, marami pang aspeto nito ang kailangang tuklasin.


Nagpapasalamat ang mga gumawa ng serye sa mainit na pagtanggap at suporta ng mga tagahanga, ngunit hinihiling nila na bigyan muna sila ng pagkakataong maipakita ang kanilang kwento nang hindi agad hinuhusgahan.


“Ang Encantadia Chronicles: Sanggre ay nakatuon sa kwento nina Danaya at Pirena pati na rin sa bagong henerasyon ng Sanggre. Hayaan ninyo kaming isalaysay ito ng maayos. Salamat,” ani Doctolero.



No comments:

Post a Comment