Andrew E, Flinex Bagong 2025 Cybertruck

 



Mainit na usapin ngayon sa social media ang viral post ng rapper at aktor na si Andrew E matapos siyang makita kasama ang isang Tesla Cybertruck — ang futuristic na sasakyan mula sa kumpanya ni Elon Musk.



Sa isang Facebook post na naka-tag sa Los Angeles, California, ibinahagi ni Andrew E ang ilang larawan habang nakatayo sa tabi ng isang itim at makintab na 2025 Tesla Cybertruck. Sa kanyang caption, pabirong sinabi ng rapper: “Pareng Elon balik ko sayo to after 2 weeks oke?... #Cybertruck2025,” na agad namang umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.

Dahil dito, marami ang nagtanong: Pagmamay-ari ba talaga ito ni Andrew E? Hiram lamang ba? O parte lamang ng isang photo-op?

Wala pang direktang kumpirmasyon mula kay Andrew E kung ang sasakyan ay kanya, ngunit hindi ito naging hadlang sa netizens na magkomento — karamihan ay may halong biro. Ilan sa mga komento ay patama rin sa kanyang aktibong partisipasyon sa mga campaign rallies ng ilang politiko noong 2022 hanggang sa 2025 elections.

Narito ang ilan sa mga biro at puna:

  • “Galing ‘yan sa bayad ni Lolong! Solid ang balik sa kampanya.”

  • “Katas ng kakarap sa entablado sa mga rally!”

  • “Tuloy-tuloy lang ang paos basta bang*g ang sinusuportahan.”

Gayunpaman, may mga tagasuporta rin ang rapper na nagtanggol sa kanya. Ayon sa kanila, karapatan ni Andrew E ang mag-enjoy sa bunga ng kanyang tagumpay sa showbiz at entertainment industry. “Deserve naman niya ‘yan, ilang dekada na siyang nagtatrabaho,” ayon sa isang netizen.

Ayon sa ilang social media researchers, ang presyo ng 2025 Tesla Cybertruck ay naglalaro mula $60,990 hanggang $102,235 o humigit-kumulang ₱13.4 milyon sa kasalukuyang palitan — kaya’t hindi nakapagtataka kung umani ito ng atensyon.

Sa ngayon, nananatiling tahimik si Andrew E sa usapin kung kanya nga ba ang Cybertruck. Ngunit isang bagay ang sigurado: muli na naman siyang naging laman ng balita at patunay na kahit sa gitna ng biruan at intriga, nananatiling relevant si Andrew E sa pop culture ng bansa.

No comments:

Post a Comment

Blog Archive